“May I point out that I did not assiduously seek out / this colony.”
-
Letter to the Local Police, June Jordan
* * *
|
BLKD |
May 34 kataong residente ngayon dito sa University of Iowa na kabilang sa International Writing Program. Sa sampung linggo naming panunuluyan dito sa U.S. madalas sumagi sa isip ko ang dynamics ng (mga) grupo.
Siguradong may subgroups na nabubuo. Unang basehan ang wika. May mga oras na ang mga nagsasalita ng wikang Tsino ay bigla na lang mag-uusap nang sila-sila lang. Ganoon din ang mga galing sa bansang nagsasalita ng Arabic. At maging iyong dalawang galing sa Latin America.
May mga hindi bihasa mag-English pero nakakatuwa sila kasama dahil kahit sa ganoong sitwasyon, nakukuha pa naming magbiruan. May special sessions ang mga fictionist. Ganoon din ang mga poet. Pero lahat kami rito ay nagkakaisa sa pagiging published writer, iba-iba man ang trajectory ng pagsusulat.
Ano nga ba ang minimum number ng isang grupo para maabot nito ang paghahati sa subgroup? Malamang, merong maiiwang “odd one out”. Ano-ano ang mga dahilan ng pagpapangkat-pangkat?
Sabi nga ni Wikipedia Brown: “Gravitational attraction pulls galaxies towards each other to form groups, clusters, and superclusters.” (sa akin ang Oxford comma)
* * *
May mga kinatawan ng kanilang bansa na ayaw pag-usapan ang current events ng kanilang bansa. Kahit biktima pa sila ng censorship. Naroon daw sila para i-represent ang kanilang sarili.
Hindi ko alam ang tawag sa kanila.
Anationalist? Ewan. Kahit ang apolitikal merong politika (o ideolohiya; ‘yun nga, ang pagiging apolitikal nila). Ang sa akin, hindi nila maiiwasan ang mga tanong tungkol sa politikal na sitwasyon ng kanilang bansa. Unang-una, hawak nila ang kanilang pasaporte (ginagamit nga nila ito para makabili ng alak). Mabuti na lang meron din ditong mga taong masigasig magkuwento ng tungkol sa geopolitics ng kanilang bansa. May mga aanga-anga rin sa analysis kahit bongga ang kanilang achievements. (Jorie Graham effect?) Bukod sa cultural immersion namin sa buhay-Tate, may cultural immersion din kami sa isa’t isa.
* * *
“We are tribeless and all tribes are ours.”
-
Open Letters to the Filipino Artists, Emmanuel Lacaba
* * *
Minsan, Pinoy ako rito. Minsan, bilang si Mark Angeles lang. Minsan, anino. Minsan, si Invisible Man. Minsan, tumatayo ako bilang poet. Minsan, bilang participant ng International Writing Program. Madalas, aktibista ang tingin nila sa akin. Tinatawag nga ako ritong Maoist at communist. Hinahayaan ko lang. Hindi naman masama ang pagtatanong maliban na lang kung may malisya o kung gusto lang nilang sirain ang pagkatao mo ng kanilang prejudices at notions.
* * *
“Love poems are rare these days,” sabi ng historian/journalist na nag-introduce sa akin patungkol sa aking mga sample work. Hindi ko alam kung tinutukoy niya ang sitwasyon ng U.S. o ng international scene. Sinabihan din niya akong magkuwento ng tungkol kay Ericson Acosta. (interesado si kuya?)
* * *
“You lull the birth of noise that shall feed millions and perhaps spare poetry.”
- And So Your Poetry Must, Ericson Acosta
* * *
SA MGA TAGASUBAYBAY ng battle rap, kilala siya bilang si BLKD. Siya si Allen sa mga kasama, lalo na sa SINAGBAYAN (
Sining Na Naglilingkod Sa Bayan), habang nag-aaral pa noon sa UP Diliman.
Miyembro siya ngayon ng TABAKK (
Tanghalang Bayan Ng Kulturang Kalye), isang street artists’ collective o network na lumilikha, nagtatanghal, at nagpopopularisa ng kulturang kalye (street culture), at ng iba’t ibang porma ng sining sa ilalim nito, bilang instrumento sa pagsusulong ng makabuluhan at makatarungang pagbabagong panlipunan.
“Kasalukuyan akong kumakatha ng mga piyesa para sa dalawa kong progresibong banda, ang
Batingao at ang
Goons N’ Guns. May binubuo rin akong isang solo EP na target kong mailabas ngayong Nobyembre,” balita pa niya.
* * *
Abangan ang solo EP ni BLKD! Sa susunod na kolum, makakakuwentuhan ulit natin siya tungkol sa kanyang estetika bilang makata (sa loob at labas ng arena ng battle rap) at cultural worker. Pati ang pinakapaborito kong tula niya.
ABANGUN!
No comments:
Post a Comment