Posted: 05 Feb 2014 02:33 AM PST
Noong Enero, inianunsyo ni Sek. Emilio Abaya ng Department of Tranportation and Communications na ipinagpapaliban muna ng gobyerno ang planong itaas ang pasahe sa MRT at LRT. Nitong Pebrero, pagkatapos ng kulang-kulang isang buwan, ipinagtanggol ni Pang. Noynoy Aquino ang hakbangin. Sabi ng pangulo, una, hindi patas na pinapasan ng buong bansa ang gastos sa mga tren gayung mga residente lang ng Metro Manila ang nakikinabang sa mga ito. Ikalawa, mas maganda ang serbisyo ng mga tren kumpara sa mga de-aircon na bus sa Edsa – na mas mahal ang singil kumpara sa mga tren – at dapat lang magbayad nang mas mahal para sa mas magandang serbisyo.
Ang unang dahilan, minsan nang sinagot ni Sen. Ralph Recto: Kalakhan ng buwis na nakokolekta sa bansa ay mula sa Metro Manila kaya masasabing walang buwis mula sa mga probinsya na napupunta sa MRT at LRT. Tapos na sana ang debate, at ipinapakita ng argumento ni Recto na kahit sa balangkas ng pangangatwiran ni Aquino ay talo ang pangulo. Pero may mapanganib na implikasyon ang naturang balangkas, kaya kauna-unawang hindi ginamit ng mga grupong tutol sa dagdag-pasahe ang argumento ni Recto. Ang balangkas nina Aquino at Recto: Ang serbisyong tinatamasa ng isang entidad, halimbawa’y lugar o tao, ay dapat tinutumbasan ng buwis na ibinabayad nito.
Sinagad ni G. Sammy Malunes, tagapagtipon ng Riles Laan sa Sambayanan (Riles) Network, ang naturang balangkas para ilantad ang problema rito: “Dapat bang itigil ng gobyerno ang pagpapatayo ng mga pampublikong paaralan at ospital sa malalayong lugar dahil hindi papakinabangan ang mga ito ng mga nagbabayad ng buwis mula sa ibang bahagi ng bansa? Dapat bang bayaran ng indibidwal na mamamayan ang buong gastos sa lahat ng serbisyong panlipunang tinatamasa niya?” Sa ganitong batayan niya direktang sinabing patas lang – o hindi di-patas – na subsidyuhan ng mga Pilipino, kahit iyung mga hindi regular na sumasakay sa mga tren, ang pagtakbo ng MRT at LRT.
Iyun namang ikalawang dahilan ay mas madaling ilantad. May kakambal na normatibo ang paniniwalang dapat magbayad nang mas mahal para sa mas magandang serbisyo: Ang walang kakayahang magbayad nang mahal, walang karapatang magtamasa ng mas magandang serbisyo. Pagbibigay-katwiran ito sa pribilehiyo ng iilan sa lipunan, o sa elitismo. May ka-triplet na deskriptibo pa pala: Kaya ganyan lang ang mga serbisyong tinatamasa ng mahihirap ay dahil wala silang pambayad sa mas magandang serbisyo.
Pagbibigay-katwiran ito sa umiiral na kalagayan ng nakakarami sa lipunan. Pagbibigay ito ng mababang halaga sa maralita at ng mataas na halaga, syempre pa, sa mayayaman.
Ang wala sa eksena sa balangkas nina Aquino at Recto ay ang papel ng gobyerno – o ang papel ng gobyerno sang-ayon sa isang pag-unawa. Noon, ang gobyerno ay tinitingnan na mekanismo para magtulungan ang mga mamamayan, at ang buwis ay dapat ginagastos para sa kanilang pangkalahatang kapakanan at interes. Ito ang pag-unawa sa gobyerno na sistematikong tinibag at tinitibag ng neoliberalismo, ang doktrinang isinusulong ni Aquino at kahit ng inapo ng makabayang si Sen. Claro M. Recto. Itong gobyernong bukambibig ang “bayanihan,” sa aktwal ay kampeon ng pagpapabaya ng gobyerno, pagkakanya-kanya ng mga mamamayan, at kawalang-tulong para sa nangangailangan.
Pagsusulong ng interes ng malalaking kapitalista ang esensya ng neoliberalismo. At ang pinaka-harapang paliwanag nito ay ang tinatawag na “trickle-down economics.” Pwede kaya itong isalin na “ekonomiks ng pagdaloy ng mga patak”? Taliwas sa paliwanag ni Nicole C. Curato, kolumnista ng Rappler, ang kawalan ng pagkakapantay-pantay ay hindi sinisikap bigyang-katwiran sa batayan ng pagiging karapat-dapat sa premyong pinansyal ng mga kapitalistang lumilikha ng trabaho. Ang pseudo-siyentipikong paliwanag: Kapag nakokonsentra ang yaman sa iilan, papatak-patak itong dadaloy pababa, patungo sa mga karaniwang mamamayan – mula 1% patungo umanong 99%.
Anu’t anuman, isiniwalat ng unang State of the Nation Address ni Aquino ang isang katotohanan tungkol sa mga patakarang neoliberal – at sa kaso ng MRT mismo. Aniya, “ibinatay sa maling pulitika” ang pamasahe sa MRT at sinubukan daw ng gobyerno ni Gloria Macapagal-Arroyo na “bilhin ang… pagmamahal” ng publiko kaya “pinilit angoperator na panatilihing mababa ang pamasahe.” Ibig lang sabihin, nagpapanggap mang may siyentipikong lohika ang mga patakarang neoliberal, ipinapailalim pa rin sila sa mga konsiderasyong pulitikal: Hindi naitaas ang pamasahe sa MRT dahil may panganib noong magdulot ito ng lalong galit sa nanganganib mapatalsik na si Arroyo.
05 Pebrero 2014

No comments:
Post a Comment