Posted: 30 Jan 2014 03:15 AM PST
Tuwing Enero 30, ginugunita ng maraming aktibista ang First Quarter Storm, o ang Sigwa ng Unang Kuwarto ng Dekada ‘70, ang panahong bumulwak ang militansiya at pakikibaka ng kabataan para sa pambansang demokrasya. Makikita sa mga larawan noon na libu-libo ang lumalabas sa lansangan para tuligsain ang naghaharing sistemang malakolonyal at malapiyudal.
Iniluwal ng dekadang ito ang mga tulad nina Lorena Barros, Emmanuel Lacaba at marami pang ibang naging kilala at martir sa kanilang masidhing paglahok at pag-ambag sa kilusan para sa pagpapalaya ng bayan. Marami sa kanila ang nagtungo rin sa kanayunan para lumahok sa armadong pakikibaka. May pumanaw matapos ipataw ni Ferdinand Marcos ang martial law; marami rin ang mga nahuli, tinortyur at ikinulong. Subalit marami pa rin ang walang sawang kumikilos kahit apat na dekada na ang nakararaan para magsilbi sa bayan.
Isa rito si Orlando “Ka Orly” Castillo. Isang kilalang pintor noong kanyang kabataan, si Ka Orly sa edad 67 ay mahigpit na yumayakap pa rin sa mga alaala at aral ng Dekada ‘70 habang patuloy na kumikilos sa hanay ng mga manggagawa. Walang pagdududang ang kanyang natitirang lakas ay nakatuon pa din sa pagsisilbi sa bayan. Sambit nga ni Ka Orly, “Naririto tayo to serve the people… para sa akin ito ang esensiya ng Sigwa ng Unang Kuwarto.”
Buhay-pamilya
Ipinanganak si Ka Orly noong Disyembre 31, 1947 sa Camalanuga, Cagayan Valley. Tubong Cagayan ang kanyang inang si Luz Garduque Castillo na nagmula sa mayamang pamilya at nakapagtapos ng kolehiyo bilang guro. Mula naman sa Batangas ang kanyang amang si Florencio Castillo at nakapagtapos sa University of Manila. Gaya ng kanyang ina, guro ang ama niya na naging prinsipal sa nasabing paaralan, at kinalauna’y nagtapos din ng abogasya.
Noong mag-asawa, ipinagpatuloy ng kanyang ina ang pag-aaral at nakamit ang masters degree sa University of Southern California. Nagpasyang magtayo ang mag-asawa ng paaralan sa Cagayan.
Malaki ang pagpapahalaga ng mga magulang ni Ka Orly sa pag-aaral at ito rin ang ipinatimo sa kanilang mga anak. Pangatlo sa apat na magkakapatid si Ka Orly. Ang lahat ay doktor maliban sa kanya dahil Fine Arts ang kanyang kurso. Ikinagalit ng kanyang ama na hindi sumunod si Ka Orly sa yapak niya bilang abogado.
Lumaki si Ka Orly nang sanay mag-isa, malayo sa pamilya at kayang magpasya sa kung anumang naising gawin. Kuwento niya, “Malaki ang inaasahan sa akin ng aking tatay. Pero mas liberal ang aking ina. Hindi siya nanghihimasok at iginagalang niya ang aking mga desisyon kaya lumaki kaming magkakapatid na kayang magsarili.”
Dahil lumaki sa komunidad ng Maynila malapit sa Ramon Magsaysay, Espana Avenue, bantad sa kanya ang samu’t saring eksena at buhay ng mga maralitang tagalungsod. Madalas siyang nasa labas ng bahay at nakikipagkuwentuhan sa kabataan at matatanda.
Pero kahit maykaya, ninais pa rin niyang tustusan ang sariling pangangailangan. Kaya pinasok niya ang pagiging shine boy at pagtitinda ng komiks sa Maynila. Sampung taong gulang pa lang nagtitinda na siya ng komiks malapit sa Mapua Institute at nakikipag-swap sa mga manininda mula sa FEATI University. Aniya, “Komiks ng Superman at Tagalog Klasiks ang binebenta at pinapaupa naming mga manininda kaya uso din noon ang ‘swapping’– nagpapalitan kami ng mga komiks na madalas hanapin ng aming mga kostumer.”
Nakaranas din siya ng panghaharas mula sa mga kapulisan at, sa katapangang taglay, nakikipagtakbuhan at kanyang natatakasan ang mga pulis na nanggigipit sa kaniya.
Bata pa lang ay marunong na siyang manindigan, mangatwiran at magtanggol ng sarili. Aniya, “Naaalala ko noon madalas kong nakakaaway ang aking tiyuhin na isang gobernador sa Cagayan, na laging may sinasabing hindi maganda sa akin. Gaya nang malaman niya na naglilinis ako ng sapatos. Nilalait niya ito at sinasabing dapat nag-aaral daw ako. Nang kumuha naman ako ng kursong Fine Arts bakit daw hindi doktor o abogasya. Sa tuwing may eksena kami tulad nito hindi ko ito pinapalagpas.”
Buhay-estudyante
Sa University of Santo Tomas (UST) kumuha ng Fine Arts si Ka Orly, at edad 23 nang mahagip ng Sigwa ng Unang Kuwarto. Nakakuha siya ng pinakamaraming awards sa mga kompetisyong kanyang nilahukan. Dahil dito, naging kilala siya sa loob ng kampus.
Nagsimulang maugnayan si Ka Orly ng mga aktibista sa UST noong panahon ng kampanyang Filipinization sa kampus (mga paring Kastila pa ang nagpapatakbo ng UST noon). Nagkataon din na ang College of Fine Arts ay walang sariling representasyon sastudent council at isinasanib lamang sa council ng College of Architecture.
Kahit nag-iisa, nag-“room-to-room” si Ka Orly at hinimok ang mga kapwa mag-aaral na iboykot ang eleksiyon sa kampus. Nagulat si Ka Orly nang sumama ang marami sa kanila. “Nagtayo kami ng bagong council at nanawagan ng referendum; umabot sa 2,500 ang bilang ng mga estudyante sa ilalim ng Architecture at Fine Arts na lumabas, umikot sa buong kampus, at nagrali sa harap mismo ng estatwa ni St. Thomas Aquinas at sa unang pagkakataon nagparada at nagsunog ng effigy,” aniya.
Di nagtagal, ibinoto si Ka Orly ng mga kaeskuwela na maging presidente ng student council ng College of Fine Arts.
Ang pinakamalawak na alyansa noon sa UST ay Sandigan Party na nagsusulong ng pambansa-demokatikong pakikibaka sa loob ng kampus. “Nakaranas ako ng pananakot mula sa mga pari ng UST dahil ako raw ay nanggugulo,“ kuwento ni Ka Orly.
Pero iba naman ang turing sa kanya ng mga guro. “Kilala ko ang lahat halos ng guro at may malapot na relasyon ako sa kanila. At dahil naoorganisa ang hanay ng kaguruan, sila na mismo ang nagsasabing huwag na kaming pumasok, basta magsumite kami ng aming class cards, rekisitos sa kurso at tiyak pasado na,” kuwento pa ni Ka Orly.Mataas ang tingin nila sa mga aktibista, at kahit mga lumpen ay iginagalang sila. “Sabi nga ng isang bagong laya noon,” patotoo ni Ka Orly, “ako, isa lang ang pinatay ko, pero kayo ang kalaban niyo buong gobyerno.”
Bago pa man mag-martial law, kalagitnaan ng ikaapat na taon sa kolehiyo, napatalsik si Ka Orly sa UST. Inalok pa siya ng pamunuan o regent ng UST ng kung anu-ano, at ipinatawag ang kanyang mga magulang, para kumbinsihing talikuran ang aktibismo. Kasama pa sana siya sa listahan ng Benavidez Award, na pinakamataas na parangal na binibigay ng UST dahil sa galing niya sa pagpipinta. Pero binarahan na siya ng dekano noon, ang dating Supreme Court Justice Andres Narvasa.
Ani Ka Orly, “Siyempre, nagalit ang tatay ko na natanggal ako. Pero kahit siya, hindi mapipigilan ang aking pagiging aktibista. Samantala, walang angas naman ang aking ina; kung ano ang gusto ng kanyang mga anak, walang problema.” Nang huminto siya ng pag-aaral, napilitan siyang ibenta ang kanyang mga obra, at patuloy na naglikha para may panustos sa pagkilos niya at may pambayad sa mga bahay-pulungan nila.
Buhay-aktibista
Masasabing mahusay at malaki ang naitulong kay Ka Orly ng kapwa mag-aaral na si Ber Silva, na kasapi ng Kabataang Makabayan (KM). Pinatay si Ber noong martial law–katulad din ng maraming na-salvage (dahil pinagkamalang subersibo. “Natagpuan ang kanyang katawan,” ani Ka Orly, “sa Montalban na may tama ng baril sa ulo.”Dinikitan ni Ber si Ka Orly at inimbita sa KM tsapter ng UST.
Patuloy ni Ka Orly, “Ang unang rali na nilahukan ko, naganap sa Plaza Miranda. Ngunit hindi ito tulad ng kasalukuyang panahon na ang mga aktibista ay dumidiretso na saassembly points. Noon, iniikutan pa muna (namin) ang mga komunidad na inoorganisa (nila) dala ang karitong nakakarga ang loud speaker. Pagpito ay maglalabasan ang masa at titipon kung saan nakatirik ang bandilang pula.” Masa rin noon ang nagtitiyak na may makakain ang mga aktibista, sabi pa niya.
Unang sumikad ang pakikibaka sa di-matatawarang ambag ng mga Iskolar ng Bayan mula sa University of the Philippines. Gayunman, nakakapagtipon ng libu-libong mamamayan noon, hindi lamang kabataan.
Ipinaliwanag ni Ka Orly na tinawag nilang Unang Distrito ang UP, Kamias at Delta, at ang tipunan ng mga demonstrador ay Welcome Rotonda. Kapag nagmartsa na, nahihigop na nito ang mga estudyante mula UST, FEU, UE, at iba pa. Isa sa napakalaking bulto ang galing Ikatlong Distrito (Caloocan, Malabon at Navotas) na sabayang nagmamartsa patungong Plaza Miranda para tagpuin ang iba pang galing sa malalayong lugar. “Salubungan ang nangyayari,” sabi ni Ka Orly, “at makikitang kumakanta ang lahat habang nagmamartsa.”
Aniya, hindi rin uso ang salitang “deployment” noon para lumubog sa masa. Natural na gawain na iyon ng mga aktibista para mapanday sa pakikibaka. Ipinagmamalaki ni Ka Orly na “lahat ng kasapi ng KM ay nakalubog sa masa – sa mga maralitang tagalunsod at maging sa mga pabrika kapiling ang mga manggagawa. Noon, lahat ng kabataan, lider ka man o hindi, ay nakalubog sa masa.”
Nag-organisa rin si Ka Orly sa komunidad. “Sa Laong Laan ako unang lumubog– may 1,000 maralita sa lugar,” sabi ni Ka Orly. “Ito yung malapit sa ngayo’y Dangwa Bus Station. Ang mga aktibista sa lugar na ito ay nakatira sa komunidad at nagbabahay-bahay sa paligid ng komunidad. Ang lugar na inoorganisa ay yung malapit lamang sa iyong tinitirhan, at mismo sa kalsada nagdadaos ng mga pag-aaral. Maglalabas ng silya ang mga kabataan at maglalapitan ang mga taga-komunidad, ipapaliwanag ang programa ng Pambansa Demokratikong Kilusan, na makakamit lamang kung isusulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan o DRB.”
Kapag natapos ang pag-aaral sa aklat na Lipunan at Rebolusyong Pilipino (LRP) ni Amado Guerrero na pangalan noon sa pakikibaka ni Jose Ma. Sison, ani Ka Orly, kinabukasan lang kailangan na nilang magturo. Sinasanay din ang bawat propagandista na magtungo sa Quiapo at makipagdebate sa mga relihiyoso sa kalsada upang masanay sa pakikipagtunggali.
“Lahat ng lider noon ay ganap na agitator, matatalinghaga kung magsalita,” napapangiti si Ka Orly. “Ang bubong na sementado sa may Quiapo ay nagsilbing entablado ng lahat ng nais magtalumpati.”
Ngunit hindi lamang sila nagrarali o nagbibigay ng pag-aaral. Sa pakikipamuhay sa masa naranasan din nina Ka Orly na “gumawa ng kubeta, magturo ng hygiene, maglinis ng kanal, mag-acupuncture para manggamot ng maysakit.”
Naaalala pa ni Ka Orly na ang buong Maynila noon ay mapulang mapula sa mga nakapintang islogan na “Isulong ang Pambansa Demokratikong Rebolusyon!” May malakas na kilusang propaganda na umaabot sa 100,000 demonstrador ang sumasama. Tantiya niya, may 1,000 noong dekada ‘70 ang nagtutungo sa kanayunan ng halos anim na buwan, kinalaunan pati nga ang mga beauty queen na sina Nelia Sancho at Maita Gomez. Binanggit niya rin ang kaeskuwelang si Dante na engineering student na nag-NPA at gumawa ng mga kagamitang panggera, at sa kanayunan na namatay.
Pinakamasayang alaala para kay Ka Orly ang sigla at determinasyon ng mga aktibista. “Sagana sa propaganda noon. Laganap ang Taliba ng Bayan na nilalabas ng KM Manila-Rizal, ibinebenta ito ng 50 sentimos, maging ang Kamao na isang magasing pangkultura. Kahit Ang Bayan na diyaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas ay pinamamahagi sa Plaza Miranda, gayundin ang Kalayaan na pambansang pahayagan ng KM na nilalabas kada linggo para sa chapters nito at para abutin ang masa.”
Mahigpit din ang tangan sa LRP at Red Book ni Mao, at sanay ang mga aktibista sa self study. Sa katunayan, naglalaan ng sariling pambili ang mga aktibista ng kanilang mga kopya nito sa Popular Bookstore. Nag-uumpisa ang pag-aaral sa LRP at kahit bagong kasapi pa lang ng KM ay isinasalang na kaagad sa pagtalakay nito para sa mga nais mulatin at organisahin. Mataas ang pagpapahalaga sa propaganda at edukasyon, at nagluwal pa ang Unang Sigwa ng mga mahuhusay at matatapang na lider tulad nila Lorena Barros, Voltaire Garcia, at iba pa.
Dumami pa lalo ang lumahok sa pambansa demokratikong kilusan sa lungsod nang makuha ang komunidad ng Tondo, patuloy ni Ka Orly. Sa malalaking rali, 30 porsiyento ang mula sa mga komunidad at 70 porsiyento ang mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan, at kasama rin dito ang mga manggagawa. Lumakas ang strike movement sa loob ng paaralan at mga pabrika.
Mahigpit din ang disiplina ng lahat ng mga kasapi ng KM, pagdidiin ni Ka Orly. Lingguhan ang punahan o CSC (criticism and self criticism) na nakabatay sa ibinigay na gawain at ang salalalayan nito ay ang pagsasabuhay ng “Serve the People”. Noo’y kinakampanya rin ang pagpapagupit ng mahahabang buhok ng mga lalaki (dahil nauso noon ang hippie look) na masagwang tingnan at pinupuna ng mga nakamamasid. “Kinakailangang gawin yun dahil pinapanatili natin ang prestihiyo ng kilusan,” paliwanag ni Ka Orly.
Mariing sinabi ni Ka Orly na napakahalaga ng solidong pag-oorganisa. Hindi dapat matali sa ‘sweep organizing’. “Kaya libu-libo ang lumalabas noon sa mga rali dahil umiikot kami sa mismong erya na aming nilulubugan at pinapaliwanag namin ang kahalagahan at laman ng pambansa demokratikong pakikibaka, ang esensiya ng pagrerebolusyon, at ipinapaunawa ang programang tutugon sa kahilingan ng mga mamamayan at ng buong bayan. Hayagan noong pinag-uusapan ang demokratikong rebolusyon ng bayan. Pagkatapos, maglalabasan ang daan-daang tao at tutungo saassembly point na kadalasan ay sa Plaza Miranda, at umaabot na sa libu-libo ang kabuuang bilang. Marami rito ang sumasama lamang para makinig,” paliwanag niya.
Pero minsa’y nababansagan din si Ka Orly na “hard core,” o ng pagmamalabis dahil na rin siguro sa katapangan at pagiging maggiit. “Ang lagi ko namang tinutungtungan ay pagmamahal sa bayan at paglilingkod sa sambayanan,” sabi pa niya. Ilang beses na rin siyang napasama sa mga demonstrasyong dinadahas at binabaril pero mapalad na hindi tinamaan ng bala. Sa kabila nito, determinado pa rin siyang makibaka at maglingkod sa masa.
Nang ipataw ang martial law, nakulong din si Ka Orly nang anim na buwan. Subalit naging daan iyon upang magbago ng pakikitungo sa kanya ang ama at maintindihan siya. Huwag ka na lang pahuhuli sa susunod, ang sabi ng ama.
Lumipas pa ang mga panahon at marami pang pinagdaanang mga hirap at pagsubok si Ka Orly. Pero hindi nagbago ang kanyang paninindigan.
Payo nga niya sa mga kabataang aktibista: “Sa pagsulong ng ating pakikibaka, napakahalaga na bumalik sa kasaysayan. Kunin ang mga aral, at dahil mayaman tayo sa karanasan, hindi na bago ang tinatahak natin ngayon. Huwag maging tamad sa pag-aaral at sa pagsasapraktika. Higit sa lahat, lumubog sa masa at tunay na sila ay paglingkuran. Sapagkat ang pandayan ng komitment ay ang pagsisilbi sa masa.”

No comments:
Post a Comment