Sunday, February 9, 2014

Patuloy na pasakit sa mga magbubukid sa Hacienda Luisita

Rome, Italy 09/02/2014



Patuloy na bulldozing at pagbuwag sa mga bahay at pananim, patuloy na pagsasawalang saysay sa kautusan ng kporte sa pamamahagi ng lupa sa hacienda at patuloy na kawalang pagtingin ng pamaghalaan sa kalagayan ng mga magbubukid.

Ito ang birthday celebration ng pangulong asyendero.

Bukod pa sa mga pagbulldozer at pagbabaskod na ginagawa ng Tadeco, ang korporasyon ng mga Cojuanco  sa 400 ekt aryang lupain sa kanayunan ng Cutcut at Balete, patuloy ang pagkontrol ng mga Cojuanco sa malawak na asyenda sa pamamagitan ng sistemang ‘Ariendo’  o pagpapaupa ng mga lupa buhat sa mga magbubukid sa mga huwad o dummies tulad ng dating Land Transportation Office chief Virginia Torres na appointee at shooting buddy ni BS Aquino.

Isang matibay na halimbawa ng hindi tatantanan ng mga Cojuanco hanggat hindi nila lubos na nalilimas ang mga lupaing dapat sana ay mapapasakamay ng mga magbubukid ay ang kanilang development project na  Luisita Industrial Park III na di umano ay bubuo sa a 260-ektayang industrial city na may residential, recreational, industrial, atcommercial na pasilidad.

Kamakailan ay binayaran pa ng Departamento ng Agrikultura (DAR) ang pamilyang Cojuanco nr P471 milyo sa halip na ipasunod ang pagbabayad ng bilyong pisa nautang ng  mga asyendero sa mga magbubukid.

Gumawa ng isang manipestasyon ang mga magbubukid sa harap ng upisina ng DAR noong Miyerkoles, Pebrero 5 upang tutulan ang patuloy na pagkontrol ng Tadeco sa mga lupain, pagbuwag sa mga bahay at pananim ng mga magbubukid, ang panuikalang 5 taong ekstensyon ng CARP.

Hinihinling din ng mfa magbubukid na ibalik sa pamahalaan ang ibinayad sa mga Cojuanco at kagyat na ipatupad ang pagbabayad ng mga Cojuanco ng P1.33 bilyon ayon sa utos ng SC para sa iligal na pagbebenta ng 300 ektaryang lupa ng Luisita Industrial Park and Subic-Clark-Tarlac Expressway or SCTEX road network.

Marahas na dinesperse mg mga guwardiya ang protesta.

Tunay kapit-tuko ang mga Cojuanco sa lupain ng mga magbubukid at tahasan pang nilalabag ang mga hatol-kautusan ng korte suprema.






No comments:

Post a Comment