Thursday, April 25, 2013

MIGRASYON

MIGRASYON



Ang migration ay iisang kawing sa pambansang kalagayan ng Pilipinas: salamin ng pagnanasa ng mamamayan na takasan ang malubhang pagsasalat sa kabuhayan ng mga pamilya. Isang suliraning sa halip na mabigyan ng solusyon mula sa sapagsisimula ng ating Republika, ay naging parang isang umaantak na sugat, lumalala, lumulubha sa ilalim ng bawat rehimeng naupo sa kapangyarihan na ang hinarap ay ang pagpapaalipin ng bansa sa mga dayuhang kapangyarihan at sa mga dambuhalang korporasyon na sumisipsip sa kabuhayan ng mga Pilipino.

Ang mapait na bunga ng kapabayaang ito ay inaani ng mga manggagawang napipilitang mapalayo sa kanilang pamilya upang ihanap ng ikabubuhay sa ibayong dapat ang kanilang asawa't anak, magulang at kapatid. Lunas na hindi maidulot ng pamahalaang nakatali sa pagka-alipin sa makasalaping layunin ng naghaharing uri.


Belarmino Dabalos Saguing 
20.,10.2011

No comments:

Post a Comment