Monday, May 27, 2013

Hindi pa tapos ang laban

Hindi Pa Tapos Ang Laban 

Wennie Flores
Ugnayan ng Manggagawang Migrante Tungo sa Pag-unlad (UMANGAT)
Rome, Italy

Isang malaking palaisipan sa mga migrante ang naganap na halalan. ang Umangat Migrante ay muling nanawagan sa hanay ng mga migrante na itaas muli ang moral at tukuyin at ilantad ang bulok na sistema ng gobyernong PNoy. Ang sabi nila, “di pa tapos ang laban na ito at marami pang dapat ayusin; harapin mismo ang ating hanay at ating mga pamilya.  Walang kasiguruhan ang ating kalagayan. Sa Italya, patuloy ang pagtaas ng ng bilang nang mga walang trabaho; ang pag-aklas at protesta sa Sweden; ang kalunos-lunos na sinapit ng mga kababayan natin sa Saudi Arabia na nagkampo sa harap ng embahada at hinarass pa ng kanilang ambasador; ang diskriminasyon at rasismo sa Taiwan; ang higit sa 4 na libong kababayan na pinauwi mula sa Syria. Palala ng palala ang ating sitwasyon kahit saang panig. 

Di pa tapos ang laban mga ka-migrante. Huwag mawawalan ng pagasa. Nandito pa rin ang MIGRANTE handang magtanggol at dumamay sa inyo.”

...


No comments:

Post a Comment