Tuesday, November 5, 2013

Pinoy Weekly | Mga obrero nagprotesta kontra PhilHealth premium hike


Posted: 04 Nov 2013 11:03 PM PST

Nagprotesta ang mga miyembro ng KMU sa main office ng Philhealth para tutulan ang napipintong pagtaas ng premium ng mga OFW. (Macky Macaspac)Nagprotesta ang mga miyembro ng KMU sa main office ng Philhealth para tutulan ang napipintong pagtaas ng premium ng mga OFW. (Macky Macaspac)


Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga manggagawa sa punong tanggapan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) para tutulan ang napipintong pagtaas ng premium ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Tataasan ng PhilHealth ang kontribusyon ng mga OFW mula sa PhP 1,200 ngayon magiging PhP 2,400 kada taon na ito simula sa taong 2014.

Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), hindi daw makatarungan ang pagtaas ng premium ng mga OFW, laluna’t may nagaganap na crackdown sa Saudi Arabia.

“Pinababayaan na nga silang abusuhin, pagsamantalahan, hulihin na parang kriminal at bitayin sa ibang bansa, gusto pang pigain ng gobyerno ang kinikita nila,” sabi ni Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng KMU.

Dagdag pa ng grupo, sa maagang bahagi ng taong 2013, itinaas din ng PhilHealth sa 200 porsiyento ang premium ng mga indibidwal na miyembro, mula sa Php1,200 ginawang Php 1,800 o katumbas ng Php600 kada taon.

“Inoobliga ng gobyerno na magbayad kaming mga manggagawa sa mga serbisyong hindi naman namin natatanggap. Patakaran ng gobyerno na paliitin ang gastos sa mga batayang serbisyo tulad ng kalusugan para ilaan sa pambayad utang at sa kanilang pork barrel funds,” sabi pa ni Soluta.

Kinastigo din ng KMU ang ulat na tumanggap ng malaking bonus ang mga opisyal ng PhilHealth. “Ayon mismo sa ulat ng Commission on Audit (COA), naglabas ang PhilHealth ng PhP 1.48 Bilyon para sa bonus ng mga opisyal sa kabila ito ng pagbaba ng kita nila,” ani Soluta. Sa halip daw na itaas ang premium, dapat daw na ibalik ng mga opisyal ng Philhealth ang mga bonus na natanggap nila noong 2012 sa pondo ng mga miyembro ng ahensiya.


Simbolikong pagsunog sa logo ng Philhealth (Macky Macaspac)Simbolikong pagsunog sa logo ng Philhealth (Macky Macaspac)

“Dapat din na i-rechannel ni Aquino ang kanyang presidential pork at ang Disbursement Allocation Program (DAP) sa social services,” dagdag pa ni Soluta.

Dinepensahan naman ng PhilHealth ang pagtaas ng premium ng mga OFW at sinabing may mgaoption na ibinigay ang ahensiya para maging magaan para sa mga OFW ang panibagong premium ratesimula sa 2014.





No comments:

Post a Comment