Fr. Joe Dizon, sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-40 taon ng pagiging pari, noong Oktubre 15. (Judy Taguiwalo)
Noong Hunyo 2003, o sampung taon na ang nakararaan, kinapanayam ng Pinoy Weekly ang aktibistang pari na si Fr. Joe Dizon hinggil sa mga eskandalong seksuwal na kinasasangkutan ng ilang alagad ng Simbahang Katoliko. Nilalabanan niya ito siyempre, pero binigyan-diin din ni Fr. Joe na may malaki pang eskandalo na kinahaharan ang simbahang ito – ang eskandalo ng pagtalikod ng maraming relihiyoso sa tungkulin ng simbahan na maglingkod sa mga mahihirap at pinagsasamantalahan sa lipunan.
Pumanaw noong Nob. 4 si Fr. Joe. Ikinaluksa ito ng mga mamamayang pinaglingkuran niya, mula panahon ng diktadurang Marcos hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Sa kanyang 40 taon bilang pari, naging buhay na halimbawa si Fr. Joe ng paggiit ng marami-rami ring mga alagad ng simbahan na maglingkod sa sambayanan at labanan ang mas malaking eskandalo sa loob ng Simbahang Katoliko.
Narito ang ilang bahagi ng panayam kay Fr. Joe noong 2003:
PW: Bakit mo nasabing may mas malaking eskandalo sa loob ng Simbahan?
Fr. Dizon: ‘Yung sinasabi kong mas malaking
scandal, yung kakulangan ng simbahan sa pagtupad sa tunguhing sinabi nya – ang pagiging
“Church for the poor” nito. Noong 1991, nagkaroon ng Second Plenary Council of the Philippines. Sabi dito, mayorya ng mga Pilipinong pinaglilingkuran ng simbahan ay mahihirap, kaya dapat sa kanila ito nakakiling. Pangalawa,
theological. Si Hesus, nang maging tao, ipinanganak siya sa mahihirap na magulang – sa isang karpintero at pesante, mga nauna niyang
followers karamihan ay mahihirap, mga mangingisda.
Sabi ng Gospel kung sino ang papasok sa kaharian ng Diyos at sino ang hindi. Yung batayan ng pagpapapasok: Hindi ‘yung pagdarasal, kundi ang tanong na “Nung nagutom ako, pinakain niyo ba ako? Nung naging bilanggo ako, pinalaya niyo ba ako?”
Pero
after 10 years, noong 2001, in-
assess ‘yan ng mga madre, pare,
laity. Ang sinabi ng karamihan sa mga pari, ‘hindi namin kayang i-
actualize ang pagyakap sa buhay ng mahirap.’
Pero ano ang ginagawa ng simbahan ngayon? Halimbawa, sa paghahangad ng mga manggagawa sa mas mataas na suweldo, ‘yung mga pinapatay na mahihirap sa kanayunan, dinedemolish sa
urban poor – Ano ang boses ng simbahan? At ano ang mga kongkretong programa nito? Sinasabi ng iba na problema, kakaunti masyado ang mga pari. Pero yun nga, kakaunti na nga lang siya, nakatuon pa ang
75% ng allocation, ng kanyang
personnel, sa iilang mayayaman, sa mga
powerful at
famous.
Kaya ito ang mas malaking eskandalo. Mas maraming ang
culpable. Yung latest SWS (Social Weather Station) Survey, yung sinasabi ay
out of 10 respondents, isa lang ang nagsasabi na yung kanilang pari o yung kilala nilang pari,
involved sa
sex scandal. Ibig sabihin, ganun siya kaliit.
Whereas, dito sa pagiging
“Church of the poor,” hindi iisang obispo, o iisang pari, kundi karamihan hindi ito ginagawa.
PW: Apektado ba ang kredibilidad ng simbahan dahil sa sex scandal?
Fr. Dizon: Kung bababa ang kredibilidad ng simbahan, ito ay dahil sa hindi nga niya natutugunan ang pagiging para sa mahihirap.
PW: May pag-asa bang mawala yung mababang pagturing ng simbahan sa kababaihan?
Fr. Dizon: Ang tingin ng simbahan
as an institution, mali yan (ang mababang pagturing sa kababaihan). Dapat pantay-pantay, pare-parehong
images of God. Sa Old Testament, may mga passages na ang sinasabi ng Panginoon ay hindi naka-address sa lalaki, kundi sa babae.
PW: ‘Yung celibacy sa pagpapari?
Fr. Dizon: Ako
personally, I love my celibacy and I will maintain it to the very end. Pero sa usapin ng
celibacy kasi, nung unang 1,000
years ng
Church, wala pa nito. Kaya isa siyang
church discipline, puwede siya baguhin. Sa
minimum, puwede siyang rebyuhin, hanggang sa
maximum, maalis siya.
No comments:
Post a Comment