Posted: 11 Oct 2013 07:14 AM PDT
“How much has changed the wild but shy young poet.”
– Open Letters to the Filipino Artists, Emmanuel Lacaba
Ikalawa, ginulat ako ng imbitasyon ni Kenneth Guda para magsulat ng regular na kolum dito sa Pinoy Weekly (PW). Ilang beses na rin akong nahiritan ng mga dakilang guro at makatang sina Rogelio Ordoñez at Mykel Andrada, pero lagi rin akong inaabot ng hiya. Pakiramdam ko kasi bakokang levels ang pagkilos ko kumpara sa mga manunulat ng PW at bulatlat.com na ang sakripisyo ay kasimbigat ng Bundok Tai.
- Leaves of Grass, Walt Whitman
Kulang ang limang araw namin sa SanFo. LSS ko tuloy ang I Left My Heart in San Francisconi Tony Bennett (na nagsabi noong ang Imperyalistang US ang terorista nang mapunta sa 9/11 ang usapan nila ni Howard Stern).
Inaraw-araw ko ang pagsakay sa cable car papunta sa Fisherman’s Wharf sa seafront. Halos lahat ng mga pasahero ay turista. Parang international conference ang loob ng sasakyan sa sari-saring mga wika at balat.
Kuwento ng gripman na may Italian accent, mahirap makapasok sa trabaho nilang pagsalya-baltak ng mabigat na bakal para kontrolin ang kable na nagpapaandar sa tranvia (sa ilang dekadang operasyon ng cable cars, ilang gripman na kaya ang nagkaluslos?). Dumaraan sa butas ng karayom ang mga beteranong bus driver bago pumasa. Halo-halo rin ang lahi nila. May Itim at Singkit. Naalala ko ang linya sa Leaves of Grass.
- Howl, Allen Ginsberg
– Open Letters to the Filipino Artists, Emmanuel Lacaba
* * *
Dalawang balita ang bumulaga sa akin pagbalik namin dito sa University of Iowa. Una, ginulat ako ng donasyon ng isang kababayan na nasa Canada. “Pandagdag sa pang-inom.” Ayus, may extra akong pambili ng mga libro at pasalubong (patay tayo niyan sa bagahe). May pam-pledge na rin sa KARAPATAN at pambili ng keychains na gawa ng mga political prisoner.Ikalawa, ginulat ako ng imbitasyon ni Kenneth Guda para magsulat ng regular na kolum dito sa Pinoy Weekly (PW). Ilang beses na rin akong nahiritan ng mga dakilang guro at makatang sina Rogelio Ordoñez at Mykel Andrada, pero lagi rin akong inaabot ng hiya. Pakiramdam ko kasi bakokang levels ang pagkilos ko kumpara sa mga manunulat ng PW at bulatlat.com na ang sakripisyo ay kasimbigat ng Bundok Tai.
* * *
“Is it a slave? Is it one of the dullfaced immigrants just landed on the wharf?”- Leaves of Grass, Walt Whitman
* * *
Balik-Iowa kami mula sa paglalagalag namin sa San Francisco, California. Opo, ang inyong lingkod ang nabigyan ng pagkakataong maging kinatawan ng ating bayan sa International Writing Program ngayong taon.Kulang ang limang araw namin sa SanFo. LSS ko tuloy ang I Left My Heart in San Francisconi Tony Bennett (na nagsabi noong ang Imperyalistang US ang terorista nang mapunta sa 9/11 ang usapan nila ni Howard Stern).
* * *
Lumabas kami sa parang bubble na shelter namin sa Iowa City na tingin ko ay pinagsyu-shooting-an ng The Walking Dead sa estilo ng mga bahay rito. Niyakap namin ang sibilisasyon ng San Francisco na pugad ng kontradiksyon ng American dream—sa paanan ng mga mamahaling otel at tindahan ng mga luho, nakakalat ang mga pulubi at sabog sa droga.Inaraw-araw ko ang pagsakay sa cable car papunta sa Fisherman’s Wharf sa seafront. Halos lahat ng mga pasahero ay turista. Parang international conference ang loob ng sasakyan sa sari-saring mga wika at balat.
Kuwento ng gripman na may Italian accent, mahirap makapasok sa trabaho nilang pagsalya-baltak ng mabigat na bakal para kontrolin ang kable na nagpapaandar sa tranvia (sa ilang dekadang operasyon ng cable cars, ilang gripman na kaya ang nagkaluslos?). Dumaraan sa butas ng karayom ang mga beteranong bus driver bago pumasa. Halo-halo rin ang lahi nila. May Itim at Singkit. Naalala ko ang linya sa Leaves of Grass.
* * *
“I saw the best minds of my generation destroyed by madness, starving hysterical naked.”- Howl, Allen Ginsberg
* * *
Sa Mission District, hindi lang halimaw na burrito ang nakaengkwentro namin kundi pati ang mga street thug. May graffiti maging sa glass wall ng isang fastfood. Sa Union Square, binasag ang panaghoy ng sax music ng sigaw at pakyu ng estrangherong ang utak ay nilusaw ng laway ng kapitalismo. Mapanghi ang bus palayong Asian Art Museum at may pasaherong kinakausap ang sarili.
* * *
May inunan pa ng hippie at beat poets ang SanFo. Maaaring sa pagbalik mo, makakasalubong mo ang mga trabahador ng isang hotel, may mga bitbit na placard. Baka maabutan mo ang BART strike. May kasabikan ng turista kang pipintahan ng flash ng camera ang anumang mapagtripan. May mga tumatalon pa rin sa Golden Gate Bridge. Maraming homeless sa land of milk and honey.
* * *
May mga araw na sinasabayan ko ang Sa Sariling Bayan/Bayan Ko medley ni Lolita Carbon oHimig ng Pag-ibig ng Asin.
No comments:
Post a Comment