Tuesday, October 8, 2013

Pinoy Weekly | Mga opisyal ng SSS na tumanggap ng P10-M bonus, kinastigo


Posted: 07 Oct 2013 02:35 AM PDT


Logo_SSS
“Ang kakapal naman ng mukha ng Board of Directors ng Social Security System (SSS).”


Ganito ang reaksiyon ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa pag-amin na tumanggap ng PhP10-Milyong bonus ng Board of Directors ng Social Security System (SSS), gayundin din ng Php276-M bonus sa iba pang empleyado nito.

“Hirap na hirap na nga ang pensioners nila sa napakababang nakukuhang pensiyon, isama pa na dagdagan ang singil sa premiumtapos ngayo’y kumukubra pa sila ng napakalaging mga bonus. Hindi ba sila nahihiya?” tanong ni Colmenares.

Inamin ni Emilio de Quiros kamakailan na tumanggap siya at pito pang opisyal ng ahensiya ng PhP1-M bilang bonus daw dahil sa magandang performance ng naturang mga opisyal noong 2012.

Sinabi din ni De Quiros sa midya na ang Php276-M ay ipinamahagi sa mga empleyado. Aniya, nakabatay umano ang pamimigay ng bonus sa performance-based incentive system na itinakda para sa government-owned and controlled corporations.

Sa kabila ito ng napipintong pagtaas ng singil sa premium ng mga miyembro ng SSS sa susunod na taon, dahil diumano’y wala o kulang na ang pondo ng ahensiya para sa mga benepisyo ng mga miyembro.

Sinabi pa ng Kilusang Mayo Uno (KMU), na dahil daw sa pagbulsa ng mga opisyales ng SSS, kuwestiyonable na 0.6 porsiyentong dagdag sa kontribusyon.

“Nakakahiya ang mga opsiyal ng ahensiyang ito na kumuha ng milyun-milyong perang pinaghirapan ng mga manggagawa. Dapat nilang ibalik ang pera at umalis sa puwesto kung may natitira pang kaunting kahihiyan sa kanila,” sabi naman ni Jerome Adonis,SSS campaign officer ng KMU.

Hindi raw dapat na bigyan ng bonus ang mga opisyal ng SSS dahil sa pagkabigo ng ahensiya na bigyan ng katarungan ang manggagawa ng mahigit 130,000 employer na hindi nagreremit ng kanilang kontribusyon mula noong Dec. 2010.

“Binibigyang katwiran pa nila ang pagtaas ng premium, samantalang ipinapakita nilang untrasparent at insensitive sila sa mga miyembro,” sabi ni Adonis.

Sinabi naman ni Colmenares na walang dapat sisihin kung hindi si Pangulong Aquino na nagbigay hudyat sa pagtataas ng premiumsa State of the Nation Address niya.

“Itinulak niya ang pagtataas ng premium sa halip na itaas ang pensiyon, kawawa naman ang mga senior citizen na umaasa lang sa kanilang pensiyon,” ani Colmenares.

Kinontra din ng Bayan Muna at KMU na walang pondo ang SSS. Ayon kay Colmenares, aabot sa PhP345-Bilyon ang asset atinvestment ng ahensiya noong 2010.

Ang taunang kita naman nito ay PhP21 hanggang 23-B at ang collectibles naman aabot sa PhP8.5 bilyon.
Dapat nga daw na himayin ang mga bonus at pabuya na tinatanggap ng manedsment ng SSS. “Recall the P200 million that SSS executives received in 2010–kailangan pa nga bawiin yun, tapos ngayon ay P286-M naman. Let’s not even mention the overcharging they did for members’ loans in 2011It is the efficiency of the SSS management that really has to be increased to prolong the fund life of SSS,” ani Colmenares.

Sabi pa ng kinatawan ng Bayan Muna na kung may malaking kontribusyong hindi nakokolekta, nangangahulugan daw na nawawalan ang ahensiya ng pera dahil sa katiwalian o maling pamamalakad.

“Manipestasyon itong mga bonus na ito sa pagkabulok ng nasa itaas. Pinapayagan ang mga mababang opisyal na ibulsa ang pera ng taumbayan dahil ‘iyong mga nasa itaas, tulad ni Aquino ( na ‘pork barrel king’) mas malaki ang ibinubulsa,” pahayag ni Adonis



No comments:

Post a Comment