Saturday, July 6, 2013

Pinoy Weekly INILUWAS NA DAHAS


Pinoy Weekly
NILUWAS NA DAHAS
Posted: 06 Jul 2013 11:49 AM PDT


Pati pasismo, naka-package na rin pala sa labour export program ng gobyerno.
Ito ang ipinakita ng ginawang pagbuwag sa camp-out ng mga stranded OFWs sa Riyadh, paggamit sa pinagkumbinang puwersa ng Saudi police at bayarang goons, panghuhuli at pag-torture sa mga OFW at mga lider na ilang buwan nang humihingi ng tulong. Umaabot na ang paggamit ng gobyerno ng dahas sa mga lumalaban maging sa labas ng bansa.


Hindi na marahil nakakapagtaka.


Dahil kung ito ang ginagamit nilang instrumento ng panunupil para maigiit ang mga programa nitong hindi maka-mahirap – gaya halimbawa ng nangyayari sa mga maralitang lungsod mula Silverio Compound hanggang Agham Road – hindi malayong patikimin din ng dahas ang mga migranteng Pilipino.
At ang LEP ang isa na siguro sa pinaka hindi makataong programang binuo at pinalawak ng gobyerno ng Pilipinas.


Kaya walang pakundangan nila itong isusulong anuman ang mangyari sukdulang kumuha ng banyagang puwersa para supilin ang kanyang mga mamamayan


Na ang pagluluwas ng manggagawang Pilipino sa labas ng bansa ay nagbibigay ng artipisyal na buhay sa ekonomiyang mahina ay isang hindi na mapapasubaliang katotohanan. Kaya naman bigay-todo ang pamahalaan pagdating sa pagpapanatiling maayos ang takbo at tuluy-tuloy lamang ang daloy ng mga Pilipinong palabas.


At ng remittance at bayad sa mga singilin ng pamahalaan naman paloob ng bansa.
Kaya nangyari ang dahas sa Saudi sa utos na rin ng mga opisyal ng embahada doon. Kaya rin nagsasara ng gate at pintuan ang Konsulado sa Hong Kong kapag may protesta. Kaya maging ang mga kaanib ng Migrante International ay target din ng surveillance at panunupil.


At sa kabilang dulo din naman ng pasismo, ay pabalat-bungang pagbibigay sa kaparatang sibil at pulitikal ng OFWs. Pero sa ibang paksa na ito siguro.


Pero ang sigurado ako, walang pag-asa sa LEP anumang karapatan ng migranteng Pilipino.



###

No comments:

Post a Comment