Makabayang Supremo
Rome, Italy 09/06/2014
Para sa mamamayang mapagmahal sa kanyang sinilangang Bayan
ay isang wagas na kaligayahan ang makamit ang tunay na kalayaan ng kanyang
Bayan at makita ang pag-unlad nito at ng kanyang mamamayan. Subalit bakit sa
napakatagal na panahon ng ating pagdaraos sa Araw ng Kalayaan ay patuloy at
lalong naghihirap ang nakakaraming mamamayang Pilipino? Balik tanawan natin
saglit ang kasaysayan ng ating Araw ng Kalayaan.
Batay sa mga nakasulat sa libro nga kasaysayan ng Kasarinlan
ng ating Bansang Pilipinas, sa pangunguna ng mga Rebolusyonaryong katipunero, noong
Agosto 1896 ay nagsimula ang paghihimagsik ng mga mamamayang Pilipino laban sa
pananakop ng mga Kastila. Noong ika-12 ng naman ng Hunyo 1898 habang may gyera
sa pag-itan ng Espanya at Amerika ay idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang
ating kalayaan mula sa pananakop ng bansang Espanya. Hindi tinanggap ng Bansang
Amerika at Espanya ang deklarasyong ito
ng Kalayaan ng Pilipinas kung kaya’t sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano.
Sinabi sa isang lathala sa "La Ilustracion Espanola y Americana”
(PEBRERO 8, 1898) Kinilala si Andres Bpnifacio bilang pangulo ng Republica
Tagala (Andres Bonifacio,
Titulado ‘Presidente’ de la Republica Tagala)
Agosto 24,1896, Pinulong ni
Andres Bonifacio sang Kataastaasang kapulungan (Supreme Council) ng KKK at
idineklara nila ang sandatahang reboĆ²usyon laban sa kapangyarihang kolonyal ng
Espanya. Sa pulong din na ito itinatag ang katipunan bilang pambansang
pamahalaan at gumawa ng isang eleksyon ng mga opisyal na mamumuno sa hukbo at
sa bansa.
Ang pamahalaang ito ay binalangkas buhat at ibinatay sa
isang demokratiko at moral na simulaing nasasaad sa Cartilla de KKK or primer
of the Katipunan na sinulat ni Emilio Jacinto. IUdineklara ng Katipunan ang
kalayaan buhat sa imperyo ng Espanya noong Agosto 23, 1896. Ang katotohanang
ito ay kinilala maging ng records ng US Library of Congress na nagtalang : "the Katipunan insinuated
itself into the community by setting up mutual aid societies and education for
the poor." At sa talaan ding ito nakasulat na “how Bonifacio, with a
30,000-strong** KKK "proclaimed Filipino
independence on August 23, 1896. “
Matapos ilunsad ng Katipunan ang pagaalsa laban sa mga Kastila
ay siniulan ding hugisin ang lihim na kilusang rebolusyonaryo upang maging
hayaga at de facto na pamahalaang rebolusyonaryo na pinamumunuan ng Supremo
bilang pangulo na namumuno sa isang gabineto na kinabibilangan nila Emilio
Jacinto, Secretary of State; Teodoro Plata, War; Aguado del Rosario, Interior;
Briccio Pantas, Justice; and Enrique Pacheco, as Secretary of Finance.
Kahiman minamaliit ng ilang historian na nakasandal sa
Amerikanismo ang liderato ng kaunaunahang pamahalaan ng Pilipinas ay lumantad
din ang mga katibayan na si Bonifacio at hindi si Aguinaldo ang tunay na unang
Pangulo ng tunay unang Republika ng bansa. [The
Katipunan was more than a secret revolutionary society; it was, withal, a
Government. It was the intention of Bonifacio to
have the Katipunan govern the whole Philippines after the overthrow of Spanish
rule," Gregorio F. Zaide, who wrote a history of the Katipunan, was quoted
in an article by historians Milagros C. Guerrero, Emmanuel N. Encarnacion, and
Ramon N. Villegas.]
Sa kabilang dako naman, iginigiit ng ilang “opisyal” na historians
ang Pamahalaang itinatag ni Emilio Aguinaldo sa Tejeros na ayon kay UP Manila professor Danilo Aragon "Iyon ay isang masasabi mong maneobra para matanggal na si
Bonifacio sa puwesto. Habang andoon ang Katipunan hindi siya matatanggal. So
pinalitan nila ang agenda," UP Manila professor Danilo Aragon said in
"Case Unclosed: Ang Lihim ng 1897".
"Yung klase ng trapo politics na mayroon tayo ngayon, ay nagsimula pa noong panahon pa nila Aguinaldo sa Tejeros Convention. Nandoon na 'yung lokohan, panlalait sa mga kandidato na walang pera,"Dagdag pa ni Aragon.
"Yung klase ng trapo politics na mayroon tayo ngayon, ay nagsimula pa noong panahon pa nila Aguinaldo sa Tejeros Convention. Nandoon na 'yung lokohan, panlalait sa mga kandidato na walang pera,"Dagdag pa ni Aragon.
Naniniwala ang Makabayang
Atas ng Supremo na ang dapat na araw ngKalayaang dapat ipagdiwang ng Pilipinas
ay ang deklarasyong ng kalayaan ng Katipunan: Agosto 23, 1896 at hindi Hunyo
12.
Ipagdiwang ang Kalayaang
ipinundar ng Dakilang Bayani at hindi dapayt ipagdiwang ang araw ng kalayaan na
ipinahayag ng mga dakilang taksil sa rebolusyon.
No comments:
Post a Comment