Wednesday, July 10, 2013

Pinoy Weekly ‘Dagdag-sahod sa Setyembre, huli na, katiting pa’

Pinoy Weekly



Posted: 09 Jul 2013 02:32 AM PDT


Panawagan ng mga manggagawa ang makabuluhang dagdag-sahod at ibaba ang presyo ng mga bilihin at serbisyo  (Macky Macaspac/PW file photo)
Panawagan ng mga manggagawa ang makabuluhang dagdag-sahod at ibaba ang presyo ng mga bilihin at serbisyo (Macky Macaspac/PW file photo)


Late na nga ‘yan, malamang katiting pa lalo na kung idadaan sa wage board.”
Ito ang reaksiyon ng Kilusang Mayo Uno (KMU) matapos ianunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na posibleng magkaroon ng dagdag-sahod sa buwan ng Setyembre ang mga minimum wage earner sa National Capital Region.


Sinabi ng grupo na katiting lang ang inaaprubahan ng wage board sa nakalipas na mga taon, samantalang patuloy naman ang pagtutol nito sa makabuluhang dagdag-sahod.


Ito umano ang dahilan kung bakit lumalaki ang agwat ng anumang dagdag sa sahod kumpara sa presyo ng mga batayang bilihin at serbisyo.


“Masyadong huli na ang dagdag-sahod sa Setyembre. Ang kailangan ng mga manggagawa, kagyat na makabuluhang sahod,” ani Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.


Iginigiit ng grupo ang agarang pagbibigay dagdag-sahod sa pamamagitan ng pagpasa sa nakabinbin na P125 across the board wage hike bill sa Kongreso, na muling isinampa ni Anakpawis Rep. Fernando Hicap nito lamang Hulyo.


Paliwanag pa ng grupo, aprubado na raw ang naturang panukalang batas sa House House Committee on Labor and Employement noong ika-15 Kongreso, kaya di na kailangan magsimula pa ng panibagong pagtalakay hinggil dito.


Sinabi pa ng grupo na pinapahupa lamang ng administrasyong Aquino ang namumuong galit ng mga manggagawa dahil sa patuloy pagtaas ng mga presyo.


“Itong pag-anunsiyo ng gobyerno ay para pahupain ang galit at pagkadismaya ng mga manggagawa. Hindi nito nais na maibsan ang lumalalang kahirapan at kagutuman,” sabi ni Labog.


Sa pag-aaral ng Ibon Foundation, lumalabas na ang familiy living wage sa NCR ay tumaas nang P1,034 para sa pamilyang may anim na miyembro noong Disyembre ng taong 2012. Malayo umano sa P426 na minimum na sahod.


Giit pa ng grupo, maliit na porsiyento lamang ang labor cost na babalikatin ng mga negosyante kumpara sa nagtaasang presyo ng kuryente, tubig, buwis at korupsiyon sa gobyerno, gayundin ang liberalisasyon sa kalakalan at ismagling.





###

No comments:

Post a Comment