Posted: 30 Oct 2013 11:40 AM PDT
President Aquino’s “Address (to) the Nation”, with visual aids, to grandstand against pork barrel critics and the opposition. (Video grab from RTVMalacanang video)
When word spread that handlers of President Benigno Aquino III had asked major television networks for ten or so minutes on prime time to make a “big announcement” on the pork barrel scandal at 7:45 PM of Halloween night, October 30, many media pundits noted that the President may be on to something historic. After all, rare does a president ask the revenue-conscious, corporate broadcast media for airtime.President Aquino’s actual speech, which lasted 12 minutes, must have disappointed the network owners, because it contained absolutely nothing big or historic. He essentially regurgitated his earlier defense of the Disbursement Acceleration Program (DAP) and his own presidential pork. Aquino used the precious airtime to rail against the former president, Gloria Macapagal-Arroyo, and members of the present political opposition, who, he charged, stole from the people through pork barrel. Simply put, it was a 12-minute rant against the opposition and (the growing number of) pork barrel critics. Here is Aquino’s speech, with our annotations (in bold) — and some fact-checking. * * *
Pambansang Pahayag
ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Mula sa Palasyo ng Malacañan Inihayag sa isang live telecast
[7:45 n.g., ika-30 ng Oktubre 2013]
Nitong mga nakaraang buwan, lumitaw ang ilang mga paksang naging sentro ng pampublikong diskurso. Kabi-kabilang tinig po ang narinig natin, at baka po mayroon na sa ating nahihilo sa usaping Pork Barrel at DAP. Humihingi po ako ngayon ng kaunting oras upang liwanagin ang mga isyung ito. Nakikita na po siguro ninyo ang nangyayari ngayong bangayan. Sa isang panig, kayo at ang gobyernong binigyan ninyo ng mandato para sa pagbabago, na tatlong taon at limang buwan nang gumagawa ng reporma, naghahabol sa corrupt, at kumakalinga sa mahirap. Sa kabila naman ay ang mga tiwaling opisyal na diumano’y sangkot sa Pork Barrel Scam. (PW: Since the August 23 press conference in Malacanang, Aquino has been consistent in claiming that he is on the side of pork barrel critics. His communications team has been busy depicting the President as a champion of anti-corruption — even as all evidence point to the contrary. This may be the first time since the 2010 presidential campaign, however, that Aquino publicly claims that his anti-corruption drive preceded his presidency (“limang taon nang gumagawa ng reporma…”). This claim of course flies in the face of his actual record in the Senate, i.e. Aquino’s zero-law-passed record. While claiming to be against pork barrel, Aquino also conveniently fails to mention the nature of the protest movement’s argument against pork: That the movement is not merely about a few corrupt officials, but an entire faulty system that is vulnerable to abuse.) Baka po may nakakalimot sa atin: Pagnanakaw ang tunay na ugat ng isyung ito. Iyan po ang usapang pilit nilang tinatabunan, matapos mabisto ang kanilang kalokohan. Napapailing na nga lang po ako, dahil ang una kong inasahan, papabulaanan nila ang mga akusasyon. Di po ba’t iyan ang natural na tugon ng kahit sinong akusado? Sa hinaba-haba ng mga kontra-paratang na ibinabato sa atin, ni minsan, hindi ko narinig ang katagang at statement na “Hindi ako nagnakaw.” Sana nga po, alang-alang sa inyong mga nagtiwala at bumoto sa kanila, ay tinutupad ng mga opisyal na ito ang kanilang sinumpaang tungkulin. Sana nga po, may paliwanag kung paanong nangyaring ang mga benepisyaryo ng pekeng NGO na pinili nila, ay listahan lang pala ng mga board passer na hinugot lang mula sa diyaryo. Pero parang ang hirap na pong maniwala sa mga palusot, kung sa paulit-ulit nilang paggamit ng pare-parehong NGO, ni minsan ay hindi nila sinilip kung nakakaabot sa taumbayan ang perang inilaan nila para dito. Medyo mahirap o imposible na po talagang ipaliwanag ito. (Aquino, of course, is wrong in saying that the revelations of corruption are at the root of the political crisis. Again, an overwhelming majority of those opposed to pork barrel want the entire pork barrel system abolished. The issue is the system, not just the specific cases of corruption — although that battle is being waged, too.) Sa sobrang hirap nga pong ipaliwanag, tila sinunod na lamang nila ang payo ng isang matandang pulitiko sa kanilang kampo: Kung hindi mo kayang ipaliwanag, palabuin mo na lang lahat; kung hindi mo kayang bumango, pabahuin mo na lang lahat; kung hindi mo kayang gumuwapo, papangitin mo na lang lahat. Narinig naman ninyo ang hirit nila: Pare-pareho lang naman daw kaming lahat. Ang tugon ko po diyan: Hindi tayo pareho. Hindi kami nagnakaw, at hindi kami magnanakaw; kami ang umuusig sa mga magnanakaw. Itinalaga po natin ang mga taong may paninindigang tuparin ang kanilang mga sinumpaang tungkulin. Di po ba’t ang itinalaga nating liderato ng Commission on Audit ang sumuyod sa mga dokumento, kaya’t natuklas ang mga pang-aabuso sa PDAF? Di ba’t nakakaasa tayo ngayon sa patas at makatarungang imbestigasyon, dahil katuwang sa tuwid na daan ang Ombudsman na atin ding itinalaga? (The President here asks us, the public, to believe him when he says ‘I am not a crook’ — a line that we have heard many a crooked politician say. He then presents as proof of his anti-corruption drive the reports by made by the Commission on Audit, which, it must be said, merely that limited its investigation to PDAF misuse during Arroyo’s time.) Linawin na rin po natin: Hindi pork barrel ang Disbursement Acceleration Program. Sa kabuuang DAP releases noong 2011 at 2012, siyam na porsyento po nito ang ginugol sa mga proyektong iminungkahi ng mambabatas. Hindi rin po pagnanakaw ang DAP. Ang pagnanakaw, ilegal; ang paggastos gamit ang DAP, malinaw na nakasaad sa Konstitusyon at sa iba pang mga batas. Pangalan lang ang DAP ng isang proseso ng paggastos sa perang natipid, at sa iba pang nalikom na kita ng inyong gobyerno. Saan po nanggaling ang perang ito? Nagmula ito sa pagtitigil natin sa kuntsabahan sa kontrata, tong-pats, overpricing, at kickback. Nagmula ito sa maayos na paggugol ng budget. Nagmula ito mula sa dagdag na kita mula sa matinong koleksyon ng buwis. Nagmula ito sa tapat na pamamahala sa mga GOCC; halimbawa ang MWSS, na dating nababaon sa utang, pero ngayon, taun-taon nang nag-aabot ng dibidendo sa gobyerno. Savings, above-target na koleksyon, at mga bagong revenue ang resulta ng tamang pamamahala. At dahil sa DAP, naitutok ang pondo sa mga proyektong nasa loob rin naman ng budget at totoong may pakinabang sa atin. (This looks to be the real reason for the prime-time speech: to defend DAP. Aquino says DAP is not pork — even as the standard definition of pork barrel [lump-sum funds, discretionary, lack of oversight mechanisms, etc.] clearly suggest otherwise. The President walks on thin ice, in insisting that DAP is constitutional — even as many constitutional experts, from former Chief Justice Reynato Puno to Fr. Joaquin Bernas, have opined the opposite. [Puno even took it to the level of divine law: pork barrel, including DAP, he said, is 'evil'.] With the constitutionality of DAP in question, all arguments about the sources of these funds are moot. In any case, Aquino’s claim that DAP funds come from his anti-corruption drive is sure to be refuted by many government employees’ unions whose agencies’ savings Aquino and DBM allegedly took.) Paano gumagana ang mekanismong ito? Simple lang po. May mga ahensya, na sa iba’t ibang kadahilanan, hindi agad naipapatupad ang mga proyekto nila; mayroon namang masigasig at mabilis magpatupad ng mga proyekto. Kapag naantala ang pagpapatupad ng proyekto, natural, hindi rin ito gugugulan ng pondo. Hindi po natin hinahayaang matulog ang pondong ito: humanap tayo ng programang nakapila sa ilalim ng ahensyang mabilis magpatupad, at doon natin itinutok ang pondong natipid, pati na rin ang dagdag na perang kinita ng ating gobyerno. Mas mabilis at napaaga ang pagdating ng benepisyo sa mamamayan, at mas masinop at epektibo nating nagugol ang perang taun-taong nakalaan sa ilalim ng Pambansang Budget. Kayo nga po ang magsabi: Mali ba ito? Kailan ba naging masama ang paghahanap ng konstitusyonal na paraan para makapaglingkod ng mas epektibo sa taumbayan? Dahil po sa DAP, napondohan ang Project NOAH, na nagbibigay ng tama at agarang babala kung may sakuna. Dahil din sa DAP, sa ilalim ng Training-for-Work Scholarship Program ng TESDA, mayroong halos 150,000 na Pilipino ang napag-aral; di bababa sa 90,000 sa kanila ang may trabaho na ngayon. Nakinabang din po ang ating Air Force at kapulisan; nakapagpatayo tayo ng kalsada, classroom, at ospital sa Mindanao at sa iba pang bahagi ng bansa; naibalik ang benepisyo ng mga empleyado ng DepEd noong nabayaran ang kanilang GSIS premiums na matagal nang di nababayaran ng pamahalaan; at marami pang ibang programa at proyektong may tunay na pakinabang sa Pilipino. (Again, all arguments justifying the use of DAP is moot if the practice itself is unconstitutional. Worth mentioning, however, is the part about the funding for TESDA. Is Aquino claiming that aside from TESDA’s PhP 3-Billion budget in 2013, he also allotted a portion of DAP funds for said agency? [Remember, he also pledged to increase TESDA's budget to PhP 4.09-B in 2014.] Or is he claiming that all, or many, of TESDA graduates were funded through DAP? What happened, then, to TESDA’s original funds? This part raises more questions than answers. Also, Aquino is proud to declare that he uses DAP to fund his labor export policy — a decades-old, unwritten policy that has forced tens of millions of Filipinos to work abroad because of lack of job opportunities and livelihood in the country.) Malaki rin ang naitulong ng DAP sa nangyayaring pag-arangkada ng ating ekonomiya. Sabi pa nga ng World Bank, nag-ambag ang DAP ng 1.3 percentage points sa ating GDP growth noong ikaapat na quarter ng 2011. Ikumpara po natin: Hindi ba’t noong sila ang nasa poder, “Sick Man of Asia” ang tawag sa atin? Ngayon, mamili na kayo sa mga bagong bansag sa atin ng mundo: Asia’s fastest growing economy, Rising Tiger, Brightest Spark. Isama pa diyan ang nakuha nating investment grade status mula sa tatlong pinakatanyag na credit ratings agency. Ang pag-angat nito, at ang tinatamasang benepisyo ng ating mga kababayan, lalo na ng mga nasa laylayan ng lipunan–ito po ang bunga ng tamang paggastos, sa halip na pagnanakaw. Ang perang dating kino-corrupt, napakinabangan na ng taumbayan, lalo na ng mahihirap. (We heard it all before. During his time, Pres. Fidel Ramos claimed that the Philippines was already on the way to becoming a ‘newly industrialized country’ and was losing the ‘Sick Man of Asia’ tag. [A tag, by the way, that stuck with the country even when Benigno III's mother, Corazon, was president.] More than 20 years later, the Philippine economy is still characterized as import-dependent and export-oriented. More people are poor and hungry than ever in history. An overwhelming majority of peasants are still landless, and workers’ real wages are stuck to Ramos-era levels. The phrase ‘sick man of Asia’, by the way, was originally used to refer to pre-revolutionary, pre-industrial China of the 19th and early 2oth century, when foreign imperial powers lorded over the country’s land and resources. Very similar, in fact, to present-day Philippines, where a foreign imperial power –mainly the US — lords over the country’s land and resources.) Ipaliwanag na rin po natin itong President’s Social Fund. May mga pagkakataon po na kailangan ng agarang pondo para tumugon sa mga biglaang pangangailangan. Halimbawa: ang tulong para sa pamilya ng sundalo’t pulis na nasawi sa pagreresponde sa MNLF-Misuari Faction sa Zamboanga, gayundin sa paghahatid ng ayuda nang sumalanta ang bagyong Sendong. PSF po ang pinanggagalingan nito; kung wala nito, kung walang calamity o contingency funds, mananatili ang ating mga kababayang nagdurusa. (Here, Aquino employs a very weak argument to defend his pork barrel. His pork, he says, was used to help the families of soldiers and cops killed during the Zamboanga stand-off and those affected by typhoon Sendong. Again, we all heard this before — from congressmen and senators who tried to defend their own pork. This also hides the fact that appropriate agencies tasked to provide such services [i.e. AFP and PNP for families of fallen soldiers and cops, DSWD and other agencies for typhoon victims] do have their own funds appropriated by Congress.) Dahil noong araw, inabuso ang pondong ito, baka raw abusuhin namin ito ngayon–kahit walang paratang ng pagnanakaw o kamalian ng paggamit. Ang mungkahi ng ilan, tanggalin na lang. Tanong po: Makatuwiran po ba ito? Maganda po sana kung ganoong kasimple, pero paano po kung magkaroon ng sakuna? Buwenas na tayo kung may session sa Batasan; mahina po ang apat na buwan ng debate at pakikipagpalitan ng sulat sa Kongreso bago maaprubahan ang pondong puwedeng gugulin. Kung ikaw ang nasa Zamboanga City, at humihilab ang sikmura ng anak mong iyak nang iyak, matatanggap mo ba kung sabihin sa iyo ng iyong gobyernong, pasensyahan muna tayo? May pera naman po, at may sapat tayong mekanismo upang siguruhing mapupunta ito sa dapat kalagyan. Tama bang ipagkait ang kalinga sa ating mga kababayan? (Quick answer to his question: No. The practice of one politician [ASSUMING, for argument's sake, that Aquino is one such politician] of putting pork barrel to good use does not discount the possibility that it will be abused, or is being abused, by other politicians. Remove the occasions of sin and there will be less, or no, sin.) Uulitin ko po: Pagnanakaw ang isyu dito. Hindi ako nagnakaw. Pero ang mga diumano’y nagnakaw ay siyang nagpapasimuno ng kalituhan; gustong kaladkarin pababa ang lahat ng ating pinaghirapang maabot dito sa tuwid na daan. Tayo ang ninakawan, tayo ang niloko, tapos tayo pa ngayon ang pinagpapaliwanag. Tayo ang patuloy na naghahanap ng katotohanan, tayo ang nagbawas nang nagbawas sa mga mekanismong maaaring gamitin para abusuhin ang kapangyarihan?tapos, tayo pa ngayon ang pinaparatangang “Pork Barrel King.” (Aquino cleverly insists that he is on the side of the anti-pork barrel movement, in order to narrow down that movement’s target to members of the political opposition already embroiled in the Napoles scam. By doing so, he can play the role of the victim further victimized by corrupt politicians who ‘muddle the issue’ and call him a ‘Pork Barrel King.’ Again, this hides the fact that the anti-pork movement does not merely demand the investigation and prosecution of politicians involved in the scam. It also call on the abolition of the entire pork barrel system that makes corruption not only a matter of possibility but of certainty.) Ito po ang masasabi ko sa kanila: Kung sa tingin ninyo, titigil ako sa pag-usig; kung sa tingin ninyo, maililihis ninyo ang atensyon ng publiko; kung sa tingin ninyo, makakatakas kayo sa pagnanakaw; nagkakamali kayo ng tantya sa akin, at sa taumbayang Pilipino. Baka naman po may natitira pang kabaitan sa inyo. Sana po, gumawa na kayo ng kilos para naman sa kapwa ninyo, at hindi lang para sa sarili. Nang bumalik sa bansa ang aking ama noong ika-21 ng Agosto 1983, may nakahanda siyang talumpati. Hindi na ito narinig ng mga Pilipino dahil sa tarmac pa lang, pinaslang na siya. Sa talumpati, sinipi niya si Archibald MacLeish: “How shall freedom be defended? By truth when it is attacked by lies.” Ngayong sinusubok ng mga kasinungalingan at panlilinlang ang karapatan ng mga Pilipinong magkaroon ng isang tapat na pamahalaan, tanging katotohanan lamang ang wastong sandata. Sa gabing ito, inilatag ko sa inyo ang tunay na konteksto ng mga nangyayari sa ating bayan. Mangyari po sanang sa darating na mga araw, pag-usapan ninyo ito sa kani-kaniyang mga pamilya, grupo, at komunidad, at doon bumuo ng sariling mga kaisipang nakatuntong sa katotohanan. (Like his mother before him, Benigno III plays the “Ninoy card” to remind us of his lineage and establish the connection between his father’s martyrdom and his own feelings of being persecuted. But thing is, during the Marcos dictatorship, of which Ninoy was an opponent, the truth was relentlessly “attacked by lies” — often in the form of the dictator’s nationally televised speeches that railed against the “enemies of democracy”. Deja vu.) Mga Boss, marami na tayong pinagdaanang laban. Nagpapasalamat ako dahil gaano man kasahol ang mga paninira at pagsasabotahe, hindi kayo bumitiw, hindi kayo sumuko, at pinatunayan nating walang maaapi kung walang magpapaapi. Ngayon, ang mga tila nagsamantala sa atin ang gustong idiskaril ang kurso natin tungo sa ating mga pangarap. Hindi ako naniniwalang papayag kayo dito. At habang nandiyan kayo, patuloy akong maninindigan. Panatag ang loob ko, nasa poder man ako o hindi, na kayo mismong mga Boss kong maayos ang kaisipan at nasa tamang lugar ang puso, ang magpapatuloy at magtatapos ng laban. Dito nagmumula ang aking lakas at katatagan ng loob. Di ba’t kailan lang, ang umiiral na siste ay isang taumbayang nagsawa nang mangarap, nagsawa nang pumalag, nagsawa nang makiambag? Ngayon, napakarami na nating sama-samang pumapanday ng positibo at makabuluhang pagbabago sa lipunan. Tiwala akong mas masigasig pa ninyong papanigan ang tama, ang makatotohanan, at ang makatarungan. Kaya nagpapasalamat ako, dahil alam kong tuloy na tuloy pa rin ang ating martsa sa tuwid na daan. Muli, isang magandang gabi po sa inyong lahat. (If Aquino truly believes that his ‘bosses’– that’s us — are still overwhelmingly supportive of his administration, he should not have bothered us with this pity party-slash-rant of a speech in the first place. Forget the TV networks’ possible revenue losses. For working people, time is gold. Those 12 minutes we wasted watching a visibly defensive, inarticulate President defend his pork barrel again would have been better spent resting our tired bodies for the next day’s work.) |
No comments:
Post a Comment