Pinoy Weekly
Minions, midya at propaganda kaugnay ng SONA
Posted: 05 Jul 2013 08:15 PM PDT
Simpleng tanong lang: Ano kaya ang mayroon sa Minions at sikat na sikat sila ngayon?
Ang Minions ay mga karakter sa animated na pelikulang Despicable Me (2010) na muling nagbabalik sa sequel nitong ipinapalabas sa mga sinehan habang sinusulat ito. Kahit hindi ka pamilyar sa naturang pelikula, siguradong malalaman mo pa rin ang detalye tungkol sa Minions sa simpleng pagsubaybay sa posts ng maraming kaibigan mo sa social media tulad ng Facebook.
Aba, kapansin-pansin ang “pakikibaka” para makakolekta ng laruang Minions na kasama sa promosyon ng isang kilalang fastfood chain. Aliw na aliw diumano ang mga bata, pati na rin ang maraming nakatatanda. Kung sabagay, sino ba naman ang hindi matutuwa sa hitsura nila – maliliit, kulay dilaw, hugis patatas, nakasuot ng maong na overalls, may goggles ang isa o dalawang malalaking mata, may mahahabang braso at may maiikling binti.
Tulad ng Storm Troopers ni Darth Vader sa prangkisang Star Wars, ang Minions ay mga bulag na tagasunod ng karakter na si Gru. Mahirap mang ikumpara ang isang live action sa animation, masasabing ang pagkakapareho ng Star Wars atDespicable Me ay ang mga kontrabidang kinagigiliwan sa halip na kinaiinisan. Pero kung sa Star Wars ay mas sikat ang lider na si Darth Vader kaysa Storm Troopers, sa Despicable Me naman ay baligtad ang sitwasyon – hindi hamak na patok sa maraming mamamayan ang mga tagasunod na Minions kumpara kay Gru.
Paano nangyari ito? Simpleng sagot lang: Ito ang itinakda ng mga nasa likod ng marketing ng pelikulang unti-unti na ring nagiging prangkisa. Bagama’t posible rin namang sundan ang pormula ng prangkisang Star Wars, pinili nilang mas bigyang pansin ang Minions. Kung susuriin ang theatrical trailers at posters, mas mahabang airtime at espasyo ang ibinibigay sa Minions. At para maging mas kapansin-pansin, ikinalat sa Internet ang maiikling video clips ng Minions na nagpapakita ng mabababaw pero nakakaaliw na sitwasyon – ang kanilang pagpapalit ng napunding bombilya; ang cameo appearance sa sikat na TV show sa Estados Unidos na The Biggest Loser; ang kanilang pagkanta ng “Banana” na halaw sa “Barbara Ann” (1961) ng The Regents na pinasikat naman ng Beach Boys noong 1965; at marami pang iba.
Salamat sa patalastas at epektibong marketing, naging patok ang Minions sa maraming mamamayan. Pinagkakaguluhan ngayon ang anumang produktong may kinalaman sa kanila. Sino ang nakikinabang sa tinaguriang “Minions craze”? Sino pa ba? Kung maraming dapat bilhin para mabuo ang koleksiyon ng Minions, siyempre’y mas maraming kita ang kapitalista.
Huwag kang matuwa sa sitwasyong ang app na Despicable Me: Minion Rush ay libre. Maniwala ka: Ngayon lang iyan. Hindi ito kakaiba sa sitwasyon ng larong Angry Birds na mula sa pagiging isang libreng app ay nagkaroon ng premium apps na kailangang bayaran tulad ng iba pang produktong may kinalaman sa mga karakter ng larong ito (nagagalit na ibon man o nang-iiritang baboy).
Mababaw na katatawanan lang ang hatid ng Minions. Marami ang natutuwa sa kanila hindi dahil maraming bobo sa mundo kundi dahil itinakda na ng mga kapitalistang hanggang ganitong antas lamang ang pagbibigay-aliw. Hindi puwedeng magpalalim at humugot ng katatawanan sa panlipunang kalagayan dahil baka mamulat ang mga mamamayan sa katotohanan.
Sa madaling salita, ang Minions, tulad ng iba pang mga karakter na naging patok sa maraming mamamayan, ay instrumento ng eskapismo. Bagama’t malinaw ang pagbibigay-aliw, hindi nangyayari ang pagbibigay-linaw. Ano nga naman ang aasahan mo sa mga karakter na hinubog bilang hindi malalim na nag-iisip at walang pag-aatubiling sinasaktan ang kapwa Minion para lang makaganti? Huwag naman sana itong gayahin ng mga bata!
Pero kung mayroong bagay na dapat masusing gabayan ang mga bata sa panonood ng Despicable Me, Despicable Me 2 o anumang video na may kinalaman sa Minions, ito ay ang sitwasyong hindi kailanman katanggap-tanggap ang bulag na pagsunod sa awtoridad. Puwedeng simulan ang pagsasabi sa mga bata kung ano ang ibig sabihin ng salitang “minion” at mula roon ay unti-unting imulat sila sa katotohanang komplikado ang kalakaran sa lipunan. May mabubuting dapat sundin at may masasamang hindi dapat gawin.
Kung mayroon man akong positibong nakikita mula sa Minions, ito ay ang kulay nila. Hindi man sinasadya ng gumawa ng mga karakter na ito, angkop na angkop ang kulay dilaw sa ating bansa dahil ito ang piniling kulay ng Liberal Party (LP) na kinabibilangan ni Pangulong Noynoy Aquino. Pabor ka man o hindi sa kasalukuyang pamahalaan, puwedeng puwede mong gamitin ang Minions para maging simbolo ng kaunlaran ng ekonomiya o kahungkagan ng polisiya.
Sa perspektiba ng mga aktibista, ang titulong “Despicable Me” ay angkop na angkop para ilarawan si Pangulong Aquino bilang kontra-mamamayang opisyal ng gobyerno. At dahil nakasalamin siya, madali lang gumawa ng isang Minion na kamukha niya. Napapanahon ang ganitong gawaing propaganda dahil papalapit na ang pagbubukas ng 16th Congress at nakatakda siyang magbigay ng state of the nation address (SONA).
Sino-sino pa ba ang puwedeng maging Minions? Dahil karamihan sa kanila ay “dilaw” ang paninindigan, ang mga miyembro ng Senado at House of Representatives ay mga pangunahing kandidato. Puwede ring pagsama-samahin lahat ng mga akusado sa paglabag sa karapatang pantao, nakakulong man o nagtatago. Ano ang magiging titulo ng mga ito? Mamili kayo: Noynoying Me, Impunity Me, Injustice Me, Jail Me.
Kung gusto mong batikusin ang pagiging “epal” ng ilang politikong nag-aambisyong tumakbo bilang susunod na Pangulo ng Pilipinas sa halalan sa 2016, gawin kaya silang Minions at lagyan ng titulong “Presidentiable Me”? Huwag kalimutang drowingan ng saging at lagyan ng teksto sa tabi ng kanilang mga karakter: “BAN na na!”
Sa konteksto ng mga nangyayari sa lipunan, hindi dapat palampasin ang mahahalagang isyu. Patuloy na gamitin ang anumang pinagkakakitaan ng mga kapitalista para maiparating sa mga mamamayan ang mensahe ng kinakailangang pagbabago. Kahit ang Minions ay malinaw na instrumento ng eskapismo, makakaya pa rin silang baguhin para maging sandata ng propaganda.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.
###
No comments:
Post a Comment