Monday, July 1, 2013

Pinoy Weekly Militanteng paggiit ng karapatan sa pabahay sa Brgy. San Roque, QC

Pinoy Weekly

Posted: 01 Jul 2013 04:58 AM PDT


Panghahampas ng mga pulis at security ng QC Hall sa mga maralita at militante. (KR Guda)Panghahampas ng mga pulis at security ng QC Hall sa mga maralita at militante. (KR Guda)


Sa harap ng pulutong ng mga pulis, sa itinayo nilang barikada sa Agham Road, sinikap pa ng mga residente ng Brgy. San Roque sa North Triangle, Quezon City na mapayapang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
“Maayos kaming nakikipag-usap, nagnenegosasyon,” kuwento ni Jennie Espacio, residente ng San Roque na tatamaan ng 11.3 metrong road-widening project ng lokal na pamahalaan ng QC.

Pero kalagitnaan ng pakikipag-usap sa pulis, isang “Col. Sanchez” ang nagkumand sa mga pulis na buwagin ang barikada. Kasabay nito, sinabi ni Espacio, gayundin ng ilang saksi sa midya, na nagpaputok ng “warning shots” ang pulis — bagay na lalong ikinagalit ng mga residente.

“Masama ba yung mapayapang ihayag ang karapatan namin dito sa lupa ng San Roque? Gaganun-ganunin lang nila kami. Papuputukan ng baril?” sabi ng isang nanay (tumangging magpapangalan) na saksi sa pagsakalay ng mga pulis sa barikada.

Bahagyang napaatras sina Espacio. Tuluy-tuloy na umanong namalo ang mga pulis. Silang naggigiit sa barikada, napapulot na rin ng bato bilang depensa sa kanilang hanay. Nag-atrasan na rin ang iba.
Tuluy-tuloy ang salakay ng mga pulis, hanggang makarating ng mga bahay. Dito, nangaladkad ang ilang pulis ng naabutang residente, at nanggulpi.

Depensa ni QC Mayor Herbert Bautista, “propesyunal na mga  iskuwater” umano ang “natitirang halos 2,000″ katao sa San Roque, matapos ang sunud-sunod na kampanya ng lokal na pamahalaan at ng National Housing Authority na linisin ang bahaging ito ng lungsod para sa komersiyal na paggamit ng Ayala Corp.


Mga bahay sa Brgy. San Roque, Quezon City. (KR Guda)Mga bahay sa Brgy. San Roque, Quezon City. (KR Guda)

(Inakusahan din ni Bautista ang Anakpawis Party-list na naniningil daw ng P1,000 sa mga residente ng San Roque — bagay na pinabubulaanan ng Anakpawis at mga residente ng San Roque.)

Pinabulaanan ito ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), na nagsabing mahigit 4,000 pa talaga ang nakatira sa San Roque. Ito’y dahil bukod sa nanatili sa lugar sa kabila ng mga tangkang demolisyon, marami rin umanong bumalik mula sa relokasyon sa Montalban, Rizal–dahil malayo sa kanilang trabaho ang naturang relokasyon.

Kinumpirma ni Espacio ang pagbalik ng mga dati nang nagpareloka. Siya mismo, mariing tutol sa relokasyon dahil mahigit P200 ang gagastusin niya araw-araw sa pamasahe pa lamang, patungong Makati at pabalik ng Montalban. “Pamasahe pa lang, ubos na sahod ko. Eh ang liit-liit lang naman ng sinasahod ko,” aniya.

Batid din nila ang mga kuwento ng hirap ng buhay sa relokasyon — kabilang ang pana-panahong baha na nararanasan ng mga residente roon tuwing umuulan nang malakas.

Kaiba sa sinasabi ni Mayor Bautista at ng mga pulis, maraming katulad ni Espacio ang nagsilahok sa barikada, para igiit ang karapatan nilang manatili sa San Roque.

Matapos buwagin ang barikada at umatras ang mga pulis mula sa kabahayan, nagtipon muli ang mga residente. Kasama na nila ang ilang miyembro ng militanteng mga organisasyon tulad ng Kilusang Mayo Uno (KMU), Anakpawis Party-list, Kadamay, Anakbayan, Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at Health Alliance for Democracy (HEAD).

Hapon noong araw na iyon, nagmartsa ang mga residente at militante patungong Quezon City Hall para igiit ang pakikipagkausap kay Bautista at singilin ang huli sa pandarahas nila.

Pero sa harap ng City Hall, matapos haltakin ng mga residente ang nakaharang na mga railing, muli silang pinaghahampas ng mga pulis. Marami ang nasugatan. Pinaghahabol din ang mga nanlabang kalalakihan — hanggang sa East Avenue.

Ginamitan din ng water cannon ang mga nagprotesta. Sa kabila nito, nakapagprograma sila. Inihayag ang galit sa lokal na pamahalaan at sa pambansang administrasyon ni Benigno Aquino III na nagtakda ng polisiya ng demolisyon sa mga maralita.

Teksto ni Kenneth Roland A. Guda | Mga larawan nina KR Guda at Xian Kahlil Anzures


Barikada ng mga residente ng North Triangle, Quezon City. (Xian Kahlil Anzures)Barikada ng mga residente ng North Triangle, Quezon City. (Xian Kahlil Anzures)

Pinagbabato ng mga residente ang mga pulis. (Xian Kahlil Anzures)Pinagbabato ng mga residente ang mga pulis. (Xian Kahlil Anzures)

Tuluy-tuloy ang pagsalakay ng mga pulis sa San Roque. (Xian Kahlil Anzures)Tuluy-tuloy ang pagsalakay ng mga pulis sa San Roque. (Xian Kahlil Anzures)

Pulis matapos suyurin ang mga bahay. (Xian Kahlil Anzures)Pulis matapos suyurin ang mga bahay. (Xian Kahlil Anzures)

Matapos ang pananalakay ng mga pulis. (KR Guda)Matapos ang pananalakay ng mga pulis. (KR Guda)

Nagulpi ng mga pulis ang batang ito. (KR Guda)Nagulpi ng mga pulis ang batang ito. (KR Guda)

Martsa sa Agham Road patungong harap ng QC Hall. (KR Guda)
Mga bahay sa San Roque. (KR Guda)Mga bahay sa San Roque. (KR Guda)

Hindi lang lokal na pamahalaan, pati si Pangulong Aquino, itinuturo ng mga maralita na tagatulak ng polisiya ng demolisyon sa kanilang mga komunidad. (KR Guda)Hindi lang lokal na pamahalaan, pati si Pangulong Aquino, itinuturo ng mga maralita na tagatulak ng polisiya ng demolisyon sa kanilang mga komunidad.
(KR Guda)

Kabataan Rep. Terry Ridon, nakiisa sa mga nagbarikada. (KR Guda)Kabataan Rep. Terry Ridon, nakiisa sa mga nagbarikada. (KR Guda)

Hinaltak ng mga maralitang nagpoprotesta ang railing na harang sa harap ng Quezon City Hall. (KR Guda)Hinaltak ng mga maralitang nagpoprotesta ang railing na harang sa harap ng Quezon City Hall. (KR Guda)

Hinaltak ng mga maralita ang railing para makalapit sana sa QC Hall at makapagpahayag ng kanilang protesta roon. (KR Guda)Hinaltak ng mga maralita ang railing para makalapit sana sa QC Hall at makapagpahayag ng kanilang protesta roon. (KR Guda)

Nagsimula nang mamalo ang mga pulis. (KR Guda)Nagsimula nang mamalo ang mga pulis. (KR Guda)

Pumwesto ang isang pulis para mamalo. (KR Guda)Pumwesto ang isang pulis para mamalo. (KR Guda)

Pamamalo at paggiit. (KR Guda)Pamamalo at paggiit. (KR Guda)

Pagsalakay ng mga pulis. (Xian Kahlil Anzures)Pagsalakay ng mga pulis. (Xian Kahlil Anzures)

Nanawagan ang mga nagrali na ipatigil ang pamamalo ng mga pulis. (KR Guda)Nanawagan ang mga nagrali na ipatigil ang pamamalo ng mga pulis. (KR Guda)

Matapos mamalo, pinaghahabol ng mga pulis at security ang mga nagprotesta. (KR Guda)Matapos mamalo, pinaghahabol ng mga pulis at security ang mga nagprotesta. (KR Guda)

Habulan. (KR Guda)Para makatakas, ginamit na pamalo ang mga plakard. (KR Guda)

Nakiusap ang mga maralita na itigil ng mga pulis ang mga pamamalo. (KR Guda)Nakiusap ang mga maralita na itigil ng mga pulis ang mga pamamalo. (KR Guda)

Nakipalo pati ang pribadong security guards ng QC Hall. (KR Guda)Nakipalo pati ang pribadong security guards ng QC Hall. (KR Guda)

Nakiusap si Dr. Geneve Reyes (nakaputi) ng Health Alliance for Democracy sa mga pulis na itigil ang pamamalo. (KR Guda)Nakiusap si Dr. Geneve Reyes (nakaputi) ng Health Alliance for Democracy sa mga pulis na itigil ang pamamalo. (KR Guda)

Kinumpronta ni Vencer Crisostomo ng Anakbayan ang isang opisyal ng pulis. (KR Guda)Kinumpronta ni Vencer Crisostomo ng Anakbayan ang isang opisyal ng pulis. (KR Guda)

Hinabol ng mga pulis ang naggiit na mga nagrali, kahit na umatras na ang mga ito. (KR Guda)Hinabol ng mga pulis ang naggiit na mga nagrali, kahit na umatras na ang mga ito. (KR Guda)

Hinabol ng ilang pulis ang umatras na mga nagrali, hanggang East Avenue. (KR Guda)Hinabol ng ilang pulis ang umatras na mga nagrali, hanggang East Avenue. (KR Guda)

Isa sa mga nagprotesta na nasaktan sa pamamalo ng mga pulis. (KR Guda)Isa sa mga nagprotesta na nasaktan sa pamamalo ng mga pulis. (KR Guda)

Kahit pinagpapalo, nakapagsagawa ng programa pa rin ang mga militanteng grupo sa harap ng QC Hall. (KR Guda)Kahit pinagpapalo, nakapagsagawa ng programa pa rin ang mga militanteng grupo sa harap ng QC Hall. (KR Guda)


###

No comments:

Post a Comment